Kanta para sa ‘yo: Sa Araw ng Pasko

kanta Parol
Ang parol ay isa sa mga nagsisimbolo ng paskong Pinoy.***

Karamihan sa mga OFW, uuwi ng Pilipinas tuwing pasko para makapiling ang mga mahal nila sa buhay. Uuwi, tapos babalik sa bansa na kanilang pinagtatrabahuhan at magtatrabaho ulit para makapag-ipon para ulit sa susunod na pasko. Ilang pasko ka na nag-iipon para ipanggastos sa selebrasyon. May oras pa na di ka makakauwi sa pasko dahil hindi pinayagan ng amo o wala pang ipon para makauwi sa pamilya. Maaari kang umalis sa ganong cycle kung gugustuhin mo lang. Hanggang kelan ka mananatili sa ganitong cycle na kakayod tapos gagastos para sa isang selebrasyon at balik kayod ulit sa ibang bansa at iiwan ang iyong pamilya? Ang kanta sayo ng mga naiwan mo dito sa ‘Pinas,

“Pasko na naman ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sayo
Bakit ba naman kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka”

Kanta pasko
Ano ang kanta mo ngayong Pasko?***

Sa panahon ngayon, ayos lang naman na bumili ng mga bagay o appliances at gumastos para sa mga selebrasyon lalo na kung ito ay para sa pamilya ngunit kelangan pa rin nating maging wais sa paggastos at isipin ang kinabukasan. Mas maganda pa rin na may sarili kang investment o pinag-iipunan na pwede mong pagkakitaan o pwedeng tirhan ng iyong pamilya. Ayon kay Goshen Land CEO and President, Alexander Bangsoy, “Ang investment sa real estate ang pinakamaganda dahil nakikita, nahahawakan, at na-aamoy mo ang mismong investment mo. Ang titulo ng iyong lupa o bahay ay pwede mo ring gamiting collateral sa bangko at pwede pang ipamana sa mga anak mo.” Ang real estate investment ay pwede mo rin pagkakitaan dahil pwede mo itong ipaupa buwan-buwan o ipa-transient kung hindi mo ito gagamitin para hindi mo na kailangan bumalik sa ibang bansa dahil may pinagkakakitaan ka na dito sa Pilipinas.

Iba pa rin pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay dito sa Pilipinas, pero makakamit mo lang iyon kung stable na ang iyong income at may pinuntahan na ang pinaghirapan mong ipon sa ibang bansa. Ang ang awit at hiling ng mga mahal mo sa buhay ay:

“Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na
Nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko”

Sana ngayong pasko, makasama mo ang pamilya mo nang may ginhawa sa dibdib na may investment ka at hindi nasayang ang pinaghirapan mo sa ibang bansa. *** –Erin Reyes

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*